Ezekiel 35

Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang gagantihan ko kayo sa inyong galit, inggit at poot, na ipinadama ninyo sa mga mamamayan ko. Kaya malalaman ninyong ako ang Panginoon habang pinarurusahan ko kayo.

Ezekiel 35:11 (UKJV) Therefore, as I live, says the Lord GOD, I will even do according to yours anger, and according to yours envy which you have used out of your hatred against them; and I will make myself known among them, when I have judged you.

9Gagawin kong tiwangwang ang inyong lugar sa habang panahon. Wala nang titira sa mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

10“Sinasabi ninyo na ang mga bansang Juda at ang Israel ay magiging inyo, at aangkinin ninyo ito kahit ako, ang Panginoon, ay kasama nila.

11Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang gagantihan ko kayo sa inyong galit, inggit at poot, na ipinadama ninyo sa mga mamamayan ko. Kaya malalaman ninyong ako ang Panginoon habang pinarurusahan ko kayo.

12Sa ganitong paraan, malalaman din ninyong ako ang Panginoon na nakaririnig ng lahat ng paglapastangan ninyo sa mga bundok ng Israel. Sapagkat sinasabi ninyong, ‘Wasak na ito, sakupin na natin!’

13Nagmalaki kayo sa akin. Kinutya nʼyo ako at narinig ko ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.