11Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buhay, ay sumusumpang gagantihan ko kayo sa inyong galit, inggit at poot, na ipinadama ninyo sa mga mamamayan ko. Kaya malalaman ninyong ako ang Panginoon habang pinarurusahan ko kayo.
12Sa ganitong paraan, malalaman din ninyong ako ang Panginoon na nakaririnig ng lahat ng paglapastangan ninyo sa mga bundok ng Israel. Sapagkat sinasabi ninyong, ‘Wasak na ito, sakupin na natin!’
13Nagmalaki kayo sa akin. Kinutya nʼyo ako at narinig ko ito.
14Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Habang nagagalak ang buong mundo, gagawin kong tiwangwang ang inyong lupain.
15Dahil natuwa kayo nang naging tiwangwang ang lupaing ipinamana ko sa mga mamamayan ng Israel. Kaya ito rin ang mangyayari sa inyo. Magiging tiwangwang ang bundok ng Seir at ang buong lupain ng Edom. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.”