Ezekiel 36

Titira kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Magiging mga mamamayan ko kayo at magiging Diyos ninyo ako.

Ezekiel 36:28 (UKJV) And all of you shall dwell in the land that I gave to your fathers; and all of you shall be my people, and I will be your God.

26Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin.

27Ibibigay ko rin sa inyo ang aking Espiritu upang maingat ninyong masunod ang mga utos koʼt mga tuntunin.

28Titira kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Magiging mga mamamayan ko kayo at magiging Diyos ninyo ako.

29Lilinisin ko kayo sa lahat ng inyong karumihan. Bibigyan ko kayo ng napakaraming butil at hindi na kayo magugutom.

30Pagbubungahin ko ng marami ang mga punongkahoy ninyo at pasasaganain ang mga ani ninyo upang hindi na kayo hamakin ng mga taga-ibang bansa dahil sa dinanas ninyong gutom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.