Ezekiel 36

Pagbubungahin ko ng marami ang mga punongkahoy ninyo at pasasaganain ang mga ani ninyo upang hindi na kayo hamakin ng mga taga-ibang bansa dahil sa dinanas ninyong gutom.

Ezekiel 36:30 (UKJV) And I will multiply the fruit of the tree, and the increase of the field, that all of you shall receive no more reproach of famine among the heathen.

28Titira kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Magiging mga mamamayan ko kayo at magiging Diyos ninyo ako.

29Lilinisin ko kayo sa lahat ng inyong karumihan. Bibigyan ko kayo ng napakaraming butil at hindi na kayo magugutom.

30Pagbubungahin ko ng marami ang mga punongkahoy ninyo at pasasaganain ang mga ani ninyo upang hindi na kayo hamakin ng mga taga-ibang bansa dahil sa dinanas ninyong gutom.

31At maaalala ninyo ang inyong masasamang ugali at pamumuhay. Kasusuklaman ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong mga kasalanan at kasuklam-suklam na ginawa.

32Ngunit mga mamamayan ng Israel, nais kong malaman ninyo na ang lahat ng itoʼy ginagawa ko hindi dahil sa inyo. Dapat ninyong ikahiya ang masasama ninyong pag-uugali, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.