Ezekiel 36

Ngunit mga mamamayan ng Israel, nais kong malaman ninyo na ang lahat ng itoʼy ginagawa ko hindi dahil sa inyo. Dapat ninyong ikahiya ang masasama ninyong pag-uugali, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’

Ezekiel 36:32 (UKJV) Not for your sakes do I this, says the Lord GOD, be it known unto you: be ashamed and confounded for your own ways, O house of Israel.

30Pagbubungahin ko ng marami ang mga punongkahoy ninyo at pasasaganain ang mga ani ninyo upang hindi na kayo hamakin ng mga taga-ibang bansa dahil sa dinanas ninyong gutom.

31At maaalala ninyo ang inyong masasamang ugali at pamumuhay. Kasusuklaman ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong mga kasalanan at kasuklam-suklam na ginawa.

32Ngunit mga mamamayan ng Israel, nais kong malaman ninyo na ang lahat ng itoʼy ginagawa ko hindi dahil sa inyo. Dapat ninyong ikahiya ang masasama ninyong pag-uugali, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’

33“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Kapag nalinis ko na kayo sa lahat ng kasalanan ninyo, patitirahin ko kayong muli sa lungsod ninyo, at muli ninyong itatayo ang mga bayan na nawasak.

34Ang mga lupaing walang pakinabang noon ay bubungkalin na ngayon. At ang lahat ng makakakita nito

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.