Ezekiel 36

At maaalala ninyo ang inyong masasamang ugali at pamumuhay. Kasusuklaman ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong mga kasalanan at kasuklam-suklam na ginawa.

Ezekiel 36:31 (UKJV) Then shall all of you remember your own evil ways, and your doings that were not good, and shall loathe yourselves in your own sight for your iniquities and for your abominations.

29Lilinisin ko kayo sa lahat ng inyong karumihan. Bibigyan ko kayo ng napakaraming butil at hindi na kayo magugutom.

30Pagbubungahin ko ng marami ang mga punongkahoy ninyo at pasasaganain ang mga ani ninyo upang hindi na kayo hamakin ng mga taga-ibang bansa dahil sa dinanas ninyong gutom.

31At maaalala ninyo ang inyong masasamang ugali at pamumuhay. Kasusuklaman ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong mga kasalanan at kasuklam-suklam na ginawa.

32Ngunit mga mamamayan ng Israel, nais kong malaman ninyo na ang lahat ng itoʼy ginagawa ko hindi dahil sa inyo. Dapat ninyong ikahiya ang masasama ninyong pag-uugali, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.’

33“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Kapag nalinis ko na kayo sa lahat ng kasalanan ninyo, patitirahin ko kayong muli sa lungsod ninyo, at muli ninyong itatayo ang mga bayan na nawasak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.