Ezekiel 36

Kaya mga kabundukan ng Israel, pakinggan ninyo ang sasabihin ng Panginoon: Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa mga bundok, burol, mga daluyan ng tubig, lambak, mga gibang lugar at tiwangwang na bayan na sinalakay at kinutya ng mga bansa sa palibot ninyo.

Ezekiel 36:4 (UKJV) Therefore, all of you mountains of Israel, hear the word of the Lord GOD; Thus says the Lord GOD to the mountains, and to the hills, to the rivers, and to the valleys, to the desolate wastes, and to the cities that are forsaken, which became a prey and derision to the residue of the heathen that are round about;

2Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Sinabi ng mga kalaban ninyo na sa kanila na ang mga bundok ninyo.’

3Kaya anak ng tao, sabihin mo sa kabundukan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: Sinalakay kayo ng mga bansa mula sa ibaʼt ibang dako at sila ngayon ang nagmamay-ari sa inyo. Kinutya nila kayo at inilagay sa kahihiyan.

4Kaya mga kabundukan ng Israel, pakinggan ninyo ang sasabihin ng Panginoon: Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa mga bundok, burol, mga daluyan ng tubig, lambak, mga gibang lugar at tiwangwang na bayan na sinalakay at kinutya ng mga bansa sa palibot ninyo.

5Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing: Labis ang galit ko sa mga bansang iyon, lalung-lalo na sa Edom. Sinakop nila ang aking lupain nang may katuwaan at pangungutya, dahil talagang gusto nilang mapunta sa kanila ang mga pastulan nito.

6Kaya anak ng tao, magsalita ka tungkol sa Israel. Sabihin mo sa mga bundok, burol, daluyan ng tubig at lambak, na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Tiniis ninyo ang pangungutya ng mga bansa sa palibot ninyo. Kaya dahil sa matindi kong galit,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.