Ezekiel 36

Kaya anak ng tao, sabihin mo sa kabundukan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: Sinalakay kayo ng mga bansa mula sa ibaʼt ibang dako at sila ngayon ang nagmamay-ari sa inyo. Kinutya nila kayo at inilagay sa kahihiyan.

Ezekiel 36:3 (UKJV) Therefore prophesy and say, Thus says the Lord GOD; Because they have made you desolate, and swallowed you up on every side, that all of you might be a possession unto the residue of the heathen, and all of you are taken up in the lips of talkers, and are an ill repute of the people:

1Sinabi ng Panginoon, “Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bundok ng Israel. Sabihin mo sa kanila, ‘O kabundukan ng Israel, makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon.

2Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: Sinabi ng mga kalaban ninyo na sa kanila na ang mga bundok ninyo.’

3Kaya anak ng tao, sabihin mo sa kabundukan ng Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi: Sinalakay kayo ng mga bansa mula sa ibaʼt ibang dako at sila ngayon ang nagmamay-ari sa inyo. Kinutya nila kayo at inilagay sa kahihiyan.

4Kaya mga kabundukan ng Israel, pakinggan ninyo ang sasabihin ng Panginoon: Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon sa mga bundok, burol, mga daluyan ng tubig, lambak, mga gibang lugar at tiwangwang na bayan na sinalakay at kinutya ng mga bansa sa palibot ninyo.

5Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing: Labis ang galit ko sa mga bansang iyon, lalung-lalo na sa Edom. Sinakop nila ang aking lupain nang may katuwaan at pangungutya, dahil talagang gusto nilang mapunta sa kanila ang mga pastulan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.