Ezekiel 37

Kaya sinunod ko ang iniutos niya na magpropesiya ako, at nabuhay nga ang mga patay. Nagsitayo sila, kasindami sila ng isang napakalaking hukbo.

Ezekiel 37:10 (UKJV) So I prophesied as he commanded me, and the breath came into them, and they lived, and stood up upon their feet, an exceeding great army.

8Nakita ko ring nagkaroon ang mga ito ng mga litid at laman at nabalot ng balat, pero walang hininga.

9Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, sabihin mo sa hangin na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Hangin umihip ka mula sa apat na dako, at hipan ang mga patay na ito upang mabuhay.”

10Kaya sinunod ko ang iniutos niya na magpropesiya ako, at nabuhay nga ang mga patay. Nagsitayo sila, kasindami sila ng isang napakalaking hukbo.

11Muling sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, ang mga butong iyon ay ang mga mamamayan ng Israel. Sinasabi nila, ‘Tuyo na ang aming mga buto, at wala na kaming pag-asa; nilipol na kami.’

12Kaya sabihin mo sa kanila na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Mga mamamayan ko, bubuksan ko ang mga libingan ninyo. Bubuhayin ko kayong muli, at ibabalik sa lupain ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.