Ezekiel 37

At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa lahat ng bansang pinangalatan nila, at ibabalik ko sa sarili nilang lupain.

Ezekiel 37:21 (UKJV) And say unto them, Thus says the Lord GOD; Behold, I will take the children of Israel from among the heathen, where they be gone, and will gather them on every side, and bring them into their own land:

19sabihin mong, ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Pagdudugtungin ko ang patpat na kumakatawan sa Israel na nasa kamay ni Efraim at ng mga lahing kasama niya at ang patpat na kumakatawan sa Juda. Magiging isa na lang sila sa kamay ko.’

20“Pagkatapos, hawakan mo ang patpat na sinulatan mo upang makita ng mga tao.

21At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa lahat ng bansang pinangalatan nila, at ibabalik ko sa sarili nilang lupain.

22Gagawin ko silang isang bansa sa lupain ng Israel, at isang hari na lang ang maghahari sa kanila. Hindi na sila muling mahahati o magiging dalawang bansa o kaharian.

23Hindi na nila dudungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan at paggawa ng anumang kasalanan, dahil ililigtas ko sila sa lahat ng pagkakasala nila. Lilinisin ko sila upang maging mga mamamayan ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.