20“Pagkatapos, hawakan mo ang patpat na sinulatan mo upang makita ng mga tao.
21At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa lahat ng bansang pinangalatan nila, at ibabalik ko sa sarili nilang lupain.
22Gagawin ko silang isang bansa sa lupain ng Israel, at isang hari na lang ang maghahari sa kanila. Hindi na sila muling mahahati o magiging dalawang bansa o kaharian.
23Hindi na nila dudungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan at paggawa ng anumang kasalanan, dahil ililigtas ko sila sa lahat ng pagkakasala nila. Lilinisin ko sila upang maging mga mamamayan ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.
24Paghaharian sila ng haring mula sa angkan ng lingkod kong si David. Isa lang ang magiging pastol nila. Susundin na nilang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin.