Ezekiel 37

Hindi na nila dudungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan at paggawa ng anumang kasalanan, dahil ililigtas ko sila sa lahat ng pagkakasala nila. Lilinisin ko sila upang maging mga mamamayan ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.

Ezekiel 37:23 (UKJV) Neither shall they defile themselves any more with their idols, nor with their detestable things, nor with any of their transgressions: but I will save them out of all their dwelling places, wherein they have sinned, and will cleanse them: so shall they be my people, and I will be their God.

21At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa lahat ng bansang pinangalatan nila, at ibabalik ko sa sarili nilang lupain.

22Gagawin ko silang isang bansa sa lupain ng Israel, at isang hari na lang ang maghahari sa kanila. Hindi na sila muling mahahati o magiging dalawang bansa o kaharian.

23Hindi na nila dudungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan at paggawa ng anumang kasalanan, dahil ililigtas ko sila sa lahat ng pagkakasala nila. Lilinisin ko sila upang maging mga mamamayan ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.

24Paghaharian sila ng haring mula sa angkan ng lingkod kong si David. Isa lang ang magiging pastol nila. Susundin na nilang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin.

25Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, ang lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno. Sila at ang mga anak nila ay titira roon habang panahon. At maghahari sa kanila ang prinsipeng mula sa lahi ni David na magiging pinuno nila magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.