Ezekiel 37

Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, ang lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno. Sila at ang mga anak nila ay titira roon habang panahon. At maghahari sa kanila ang prinsipeng mula sa lahi ni David na magiging pinuno nila magpakailanman.

Ezekiel 37:25 (UKJV) And they shall dwell in the land that I have given unto Jacob my servant, wherein your fathers have dwelt; and they shall dwell therein, even they, and their children, and their children's children for ever: and my servant David shall be their prince for ever.

23Hindi na nila dudungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga kasuklam-suklam na diyos-diyosan at paggawa ng anumang kasalanan, dahil ililigtas ko sila sa lahat ng pagkakasala nila. Lilinisin ko sila upang maging mga mamamayan ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.

24Paghaharian sila ng haring mula sa angkan ng lingkod kong si David. Isa lang ang magiging pastol nila. Susundin na nilang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin.

25Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, ang lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno. Sila at ang mga anak nila ay titira roon habang panahon. At maghahari sa kanila ang prinsipeng mula sa lahi ni David na magiging pinuno nila magpakailanman.

26Gagawa ako ng isang kasunduan na magiging maganda ang kalagayan nila, at ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Patitirahin ko sila sa lupain nila at pararamihin ko sila. Itatayo ko ang aking Templo sa kanilang kalagitnaan magpakailanman.

27Maninirahan akong kasama nila. Magiging Diyos nila ako, at sila ay magiging mga mamamayan ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.