3Sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Gog, na pinuno ng Mesec at Tubal, kalaban kita.
4Paiikutin kita at kakawitan ko ng kawil ang panga mo. Hihilahin kita kasama ang buong hukbo mo – ang iyong mga kabayo, armadong mangangabayo at ang napakarami mong sundalo na may malalaki at maliliit na kalasag at may mga espada.
5Sasáma sa kanila ang mga sundalo ng Persia, Etiopia at Put na may mga kalasag at helmet,
6kasama rin ang Gomer at Bet-togarma sa hilaga at ang lahat ng sundalo nila. Maraming bansa ang sasáma sa iyo.
7“Maghanda ka at ang lahat ng sundalo mo. Pamunuan mo sila sa pakikipagdigma.