Ezekiel 38

Paiikutin kita at kakawitan ko ng kawil ang panga mo. Hihilahin kita kasama ang buong hukbo mo – ang iyong mga kabayo, armadong mangangabayo at ang napakarami mong sundalo na may malalaki at maliliit na kalasag at may mga espada.

Ezekiel 38:4 (UKJV) And I will turn you back, and put hooks into your jaws, and I will bring you forth, and all yours army, horses and horsemen, all of them clothed with all sorts of armour, even a great company with bucklers and shields, all of them handling swords:

2“Anak ng tao, humarap ka sa lupain ng Magog at magpropesiya ka laban kay Gog na pinuno ng Mesec at Tubal.

3Sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Gog, na pinuno ng Mesec at Tubal, kalaban kita.

4Paiikutin kita at kakawitan ko ng kawil ang panga mo. Hihilahin kita kasama ang buong hukbo mo – ang iyong mga kabayo, armadong mangangabayo at ang napakarami mong sundalo na may malalaki at maliliit na kalasag at may mga espada.

5Sasáma sa kanila ang mga sundalo ng Persia, Etiopia at Put na may mga kalasag at helmet,

6kasama rin ang Gomer at Bet-togarma sa hilaga at ang lahat ng sundalo nila. Maraming bansa ang sasáma sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.