Ezekiel 38

“Anak ng tao, humarap ka sa lupain ng Magog at magpropesiya ka laban kay Gog na pinuno ng Mesec at Tubal.

Ezekiel 38:2 (UKJV) Son of man, set your face against Gog, the land of Magog, the chief prince of Meshech and Tubal, and prophesy against him,

1Sinabi sa akin ng Panginoon,

2“Anak ng tao, humarap ka sa lupain ng Magog at magpropesiya ka laban kay Gog na pinuno ng Mesec at Tubal.

3Sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Gog, na pinuno ng Mesec at Tubal, kalaban kita.

4Paiikutin kita at kakawitan ko ng kawil ang panga mo. Hihilahin kita kasama ang buong hukbo mo – ang iyong mga kabayo, armadong mangangabayo at ang napakarami mong sundalo na may malalaki at maliliit na kalasag at may mga espada.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.