5Sasáma sa kanila ang mga sundalo ng Persia, Etiopia at Put na may mga kalasag at helmet,
6kasama rin ang Gomer at Bet-togarma sa hilaga at ang lahat ng sundalo nila. Maraming bansa ang sasáma sa iyo.
7“Maghanda ka at ang lahat ng sundalo mo. Pamunuan mo sila sa pakikipagdigma.
8Sapagkat darating ang araw na uutusan ko kayong salakayin ang Israel, na sa mahabang panahon ay naging tiwangwang dahil nawasak sa digmaan. Ngunit muli itong itinayo, at nakabalik na ang mga mamamayan nito mula sa mga bansa at namumuhay na nang payapa.
9Ikaw at ang mga sundalo mo at ang sundalo ng mga kasama mong bansa ay sasalakay sa Israel na parang bagyo, at paliligiran ninyo ito na parang pinaligiran ng ulap.”