Ezekiel 38

Sapagkat darating ang araw na uutusan ko kayong salakayin ang Israel, na sa mahabang panahon ay naging tiwangwang dahil nawasak sa digmaan. Ngunit muli itong itinayo, at nakabalik na ang mga mamamayan nito mula sa mga bansa at namumuhay na nang payapa.

Ezekiel 38:8 (UKJV) After many days you shall be visited: in the latter years you shall come into the land that is brought back from the sword, and is gathered out of many people, against the mountains of Israel, which have been always waste: but it is brought forth out of the nations, and they shall dwell safely all of them.

6kasama rin ang Gomer at Bet-togarma sa hilaga at ang lahat ng sundalo nila. Maraming bansa ang sasáma sa iyo.

7“Maghanda ka at ang lahat ng sundalo mo. Pamunuan mo sila sa pakikipagdigma.

8Sapagkat darating ang araw na uutusan ko kayong salakayin ang Israel, na sa mahabang panahon ay naging tiwangwang dahil nawasak sa digmaan. Ngunit muli itong itinayo, at nakabalik na ang mga mamamayan nito mula sa mga bansa at namumuhay na nang payapa.

9Ikaw at ang mga sundalo mo at ang sundalo ng mga kasama mong bansa ay sasalakay sa Israel na parang bagyo, at paliligiran ninyo ito na parang pinaligiran ng ulap.”

10Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, “Sa panahong iyon, magbabalak ka ng masama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.