17“Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Tawagin mo ang bawat uri ng ibon at mababangis na hayop: ‘Pumarito kayo at magsama-sama mula sa lahat ng dako dahil maghahanda ako ng isang piging sa kabundukan ng Israel at marami akong ihahandog doon na makakain nila.
18Kakain sila ng laman at iinom ng dugo ng matatapang na mga sundalo at pinuno na parang kumakain lang sila ng tupa, baka at kambing na pinataba mula sa Bashan.
19Sa piging na ito na ihahanda ko para sa kanila, magsasawa sila sa pagkain at pag-inom hanggang sa mabusog at malasing ang mga ito.
20Mananawa sila sa pagkain ng mga kabayo, mangangabayo, at matatapang na sundalo,’ sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
21“Kapag pinarusahan ko na ang mga bansa, makikita nila kung gaano kalakas ang aking kapangyarihan.