Ezekiel 39

“Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Tawagin mo ang bawat uri ng ibon at mababangis na hayop: ‘Pumarito kayo at magsama-sama mula sa lahat ng dako dahil maghahanda ako ng isang piging sa kabundukan ng Israel at marami akong ihahandog doon na makakain nila.

Ezekiel 39:17 (UKJV) And, you son of man, thus says the Lord GOD; Speak unto every feathered fowl, and to every beast of the field, Assemble yourselves, and come; gather yourselves on every side to my sacrifice that I do sacrifice for you, even a great sacrifice upon the mountains of Israel, that all of you may eat flesh, and drink blood.

15Kapag may nakita pa silang mga kalansay ng tao, lalagyan nila ito ng tanda upang makita ng mga maglilibing at upang mailibing nila sa Lambak ng Hukbo ni Gog.

16May bayang malapit doon na tatawaging Hamonah o Maraming Tao. Sa ganitong paraan nila lilinisin ang lupain.”

17“Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Tawagin mo ang bawat uri ng ibon at mababangis na hayop: ‘Pumarito kayo at magsama-sama mula sa lahat ng dako dahil maghahanda ako ng isang piging sa kabundukan ng Israel at marami akong ihahandog doon na makakain nila.

18Kakain sila ng laman at iinom ng dugo ng matatapang na mga sundalo at pinuno na parang kumakain lang sila ng tupa, baka at kambing na pinataba mula sa Bashan.

19Sa piging na ito na ihahanda ko para sa kanila, magsasawa sila sa pagkain at pag-inom hanggang sa mabusog at malasing ang mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.