Ezekiel 39

Kapag may nakita pa silang mga kalansay ng tao, lalagyan nila ito ng tanda upang makita ng mga maglilibing at upang mailibing nila sa Lambak ng Hukbo ni Gog.

Ezekiel 39:15 (UKJV) And the passengers that pass through the land, when any sees a man's bone, then shall he set up a sign by it, till the buriers have buried it in the valley of Hamongog.

13Ang lahat ng mga mamamayan ay tutulong sa paglilibing. Hinding-hindi makakalimutan ng mga Israelita ang araw na iyon dahil sa ganitong paraan ay mapaparangalan ako. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

14Pagkaraan ng pitong buwan, may mga taong susuguin na ito lang ang gagawin: Susuyurin nila ang lugar na iyon upang tingnan kung may natitira pang nagkalat na bangkay at ipapalibing nila ito upang malinis ang lupain.

15Kapag may nakita pa silang mga kalansay ng tao, lalagyan nila ito ng tanda upang makita ng mga maglilibing at upang mailibing nila sa Lambak ng Hukbo ni Gog.

16May bayang malapit doon na tatawaging Hamonah o Maraming Tao. Sa ganitong paraan nila lilinisin ang lupain.”

17“Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Tawagin mo ang bawat uri ng ibon at mababangis na hayop: ‘Pumarito kayo at magsama-sama mula sa lahat ng dako dahil maghahanda ako ng isang piging sa kabundukan ng Israel at marami akong ihahandog doon na makakain nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.