Ezekiel 39

Mananawa sila sa pagkain ng mga kabayo, mangangabayo, at matatapang na sundalo,’ sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

Ezekiel 39:20 (UKJV) Thus all of you shall be filled at my table with horses and chariots, with mighty men, and with all men of war, says the Lord GOD.

18Kakain sila ng laman at iinom ng dugo ng matatapang na mga sundalo at pinuno na parang kumakain lang sila ng tupa, baka at kambing na pinataba mula sa Bashan.

19Sa piging na ito na ihahanda ko para sa kanila, magsasawa sila sa pagkain at pag-inom hanggang sa mabusog at malasing ang mga ito.

20Mananawa sila sa pagkain ng mga kabayo, mangangabayo, at matatapang na sundalo,’ sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

21“Kapag pinarusahan ko na ang mga bansa, makikita nila kung gaano kalakas ang aking kapangyarihan.

22At mula sa araw na iyon, malalaman ng mga mamamayan ng Israel na ako ang Panginoon nilang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.