Ezekiel 4

Bawat araw, dalawaʼt kalahating guhit lang na pagkain ang kakainin mo sa mga itinakdang oras.

Ezekiel 4:10 (UKJV) And your food which you shall eat shall be by weight, twenty shekels a day: from time to time shall you eat it.

8Gagapusin kita upang hindi ka makabaling, hanggang sa matapos ang pagpapakita mo ng pagsakop ng Jerusalem.

9“Magdala ka rin ng trigo, sebada, bitsuwelas, lentil, batad, at espelta. Paghalu-haluin mo ito sa isang lalagyan at gawin mong tinapay. Ito ang kakainin mo sa loob ng 390 araw habang nakahiga kang nakatagilid sa kaliwa.

10Bawat araw, dalawaʼt kalahating guhit lang na pagkain ang kakainin mo sa mga itinakdang oras.

11At kalahating litrong tubig lang ang iinumin mo bawat araw sa mga itinakda ring oras.

12Lutuin mo ang tinapay bawat araw habang nanonood ang mga tao. Lutuin mo ito tulad ng pagluluto ng tinapay na gawa sa sebada. Gamitin mong panggatong ang tuyong dumi ng tao at pagkatapos ay kainin mo ang tinapay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.