Ezekiel 4

“Magdala ka rin ng trigo, sebada, bitsuwelas, lentil, batad, at espelta. Paghalu-haluin mo ito sa isang lalagyan at gawin mong tinapay. Ito ang kakainin mo sa loob ng 390 araw habang nakahiga kang nakatagilid sa kaliwa.

Ezekiel 4:9 (UKJV) Take you also unto you wheat, and barley, and beans, and lentils, and millet, and fitches, and put them in one vessel, and make you bread thereof, according to the number of the days that you shall lie upon your side, three hundred and ninety days shall you eat thereof.

7Titigan mo ang Jerusalem na sinasalakay, at habang nakalabas sa iyong damit ang bisig mo, magpropesiya ka laban sa Jerusalem.

8Gagapusin kita upang hindi ka makabaling, hanggang sa matapos ang pagpapakita mo ng pagsakop ng Jerusalem.

9“Magdala ka rin ng trigo, sebada, bitsuwelas, lentil, batad, at espelta. Paghalu-haluin mo ito sa isang lalagyan at gawin mong tinapay. Ito ang kakainin mo sa loob ng 390 araw habang nakahiga kang nakatagilid sa kaliwa.

10Bawat araw, dalawaʼt kalahating guhit lang na pagkain ang kakainin mo sa mga itinakdang oras.

11At kalahating litrong tubig lang ang iinumin mo bawat araw sa mga itinakda ring oras.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.