5Ang isang araw ay nangangahulugan ng isang taon. Kaya sa loob ng 390 araw ay papasanin mo ang mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel.
6“Pagkatapos, bumaling ka sa kanan at pasanin mo rin ang kasalanan ng mga taga-Juda sa loob ng apatnapung araw, ang isang araw ay nangangahulugan pa rin ng isang taon.
7Titigan mo ang Jerusalem na sinasalakay, at habang nakalabas sa iyong damit ang bisig mo, magpropesiya ka laban sa Jerusalem.
8Gagapusin kita upang hindi ka makabaling, hanggang sa matapos ang pagpapakita mo ng pagsakop ng Jerusalem.
9“Magdala ka rin ng trigo, sebada, bitsuwelas, lentil, batad, at espelta. Paghalu-haluin mo ito sa isang lalagyan at gawin mong tinapay. Ito ang kakainin mo sa loob ng 390 araw habang nakahiga kang nakatagilid sa kaliwa.