Ezekiel 4

“Pagkatapos, bumaling ka sa kanan at pasanin mo rin ang kasalanan ng mga taga-Juda sa loob ng apatnapung araw, ang isang araw ay nangangahulugan pa rin ng isang taon.

Ezekiel 4:6 (UKJV) And when you have accomplished them, lie again on your right side, and you shall bear the iniquity of the house of Judah forty days: I have appointed you each day for a year.

4“Pagkatapos, mahiga kang nakatagilid sa kaliwa. Tanda ito na pinapasan mo ang kasalanan ng mga mamamayan ng Israel. Papasanin mo ang mga kasalanan nila ayon sa dami ng araw ng iyong paghiga.

5Ang isang araw ay nangangahulugan ng isang taon. Kaya sa loob ng 390 araw ay papasanin mo ang mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel.

6“Pagkatapos, bumaling ka sa kanan at pasanin mo rin ang kasalanan ng mga taga-Juda sa loob ng apatnapung araw, ang isang araw ay nangangahulugan pa rin ng isang taon.

7Titigan mo ang Jerusalem na sinasalakay, at habang nakalabas sa iyong damit ang bisig mo, magpropesiya ka laban sa Jerusalem.

8Gagapusin kita upang hindi ka makabaling, hanggang sa matapos ang pagpapakita mo ng pagsakop ng Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.