Ezekiel 40

Noong ikasampung araw ng unang buwan, nang ikadalawampuʼt limang taon ng aming pagkabihag at ikalabing-apat na taon mula nang bumagsak ang lungsod, nilukuban ako ng kapangyarihan ng Panginoon.

Ezekiel 40:1 (UKJV) In the five and twentieth year of our captivity, in the beginning of the year, in the tenth day of the month, in the fourteenth year after that the city was smitten, in the very same day the hand of the LORD was upon me, and brought me thither.

1Noong ikasampung araw ng unang buwan, nang ikadalawampuʼt limang taon ng aming pagkabihag at ikalabing-apat na taon mula nang bumagsak ang lungsod, nilukuban ako ng kapangyarihan ng Panginoon.

2At ipinakita sa akin ng Diyos ang isang pangitain. Sa pangitaing iyon, dinala niya ako sa mataas na bundok ng Israel. Nang tumingin ako sa timog ay may nakita akong parang isang lungsod.

3Dinala ako roon ng Panginoon at may nakita akong isang tao na ang mukha ay parang kumikinang na tanso. Nakatayo siya malapit sa pintuan ng bayan at may hawak na panukat. Ang isa ay lubid na gawa sa lino at ang isa ay kahoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.