Ezekiel 40

At ipinakita sa akin ng Diyos ang isang pangitain. Sa pangitaing iyon, dinala niya ako sa mataas na bundok ng Israel. Nang tumingin ako sa timog ay may nakita akong parang isang lungsod.

Ezekiel 40:2 (UKJV) In the visions of God brought he me into the land of Israel, and set me upon a very high mountain, by which was as the frame of a city on the south.

1Noong ikasampung araw ng unang buwan, nang ikadalawampuʼt limang taon ng aming pagkabihag at ikalabing-apat na taon mula nang bumagsak ang lungsod, nilukuban ako ng kapangyarihan ng Panginoon.

2At ipinakita sa akin ng Diyos ang isang pangitain. Sa pangitaing iyon, dinala niya ako sa mataas na bundok ng Israel. Nang tumingin ako sa timog ay may nakita akong parang isang lungsod.

3Dinala ako roon ng Panginoon at may nakita akong isang tao na ang mukha ay parang kumikinang na tanso. Nakatayo siya malapit sa pintuan ng bayan at may hawak na panukat. Ang isa ay lubid na gawa sa lino at ang isa ay kahoy.

4Sinabi sa akin ng taong iyon, “Anak ng tao, makinig ka at tingnan mong mabuti ang ipapakita ko sa iyo dahil ito ang dahilan kung bakit kita dinala rito. Pagkatapos, sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel ang lahat ng nakita mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.