Ezekiel 40

Ang haba ng balkonahe ay tatlumpuʼt limang talampakan at ang luwang ay dalawampuʼt isang talampakan. May sampung baitang ito pataas papunta sa balkonahe at may haligi sa magkabilang tabi.

Ezekiel 40:49 (UKJV) The length of the porch was twenty cubits, and the breadth eleven cubits, and he brought me by the steps whereby they went up to it: and there were pillars by the posts, one on this side, and another on that side.

47Sinukat ng tao ang luwang ng bulwagan at itoʼy 175 talampakan at ganoon din ang haba. Ang altar ay nasa harap ng Templo.

48Pagkatapos, dinala ako ng tao sa balkonahe ng Templo at sinukat niya ang magkabilang pader ng daanan ng balkonahe, at ang bawat pader ay may taas na walong talampakan at limang talampakan ang kapal. Ang luwang ng daanan ng balkonahe ay dalawampuʼt limang talampakan.

49Ang haba ng balkonahe ay tatlumpuʼt limang talampakan at ang luwang ay dalawampuʼt isang talampakan. May sampung baitang ito pataas papunta sa balkonahe at may haligi sa magkabilang tabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.