Ezekiel 40

Pagkatapos, dinala ako ng tao sa balkonahe ng Templo at sinukat niya ang magkabilang pader ng daanan ng balkonahe, at ang bawat pader ay may taas na walong talampakan at limang talampakan ang kapal. Ang luwang ng daanan ng balkonahe ay dalawampuʼt limang talampakan.

Ezekiel 40:48 (UKJV) And he brought me to the porch of the house, and measured each post of the porch, five cubits on this side, and five cubits on that side: and the breadth of the gate was three cubits on this side, and three cubits on that side.

46at ang silid na nakaharap sa hilaga ay para sa mga paring namamahala sa altar. Ang mga ito ay mga anak na lalaki ni Sadoc, at sila lang na mga Levita ang pinayagang makalapit at maglingkod sa harap ng Panginoon.”

47Sinukat ng tao ang luwang ng bulwagan at itoʼy 175 talampakan at ganoon din ang haba. Ang altar ay nasa harap ng Templo.

48Pagkatapos, dinala ako ng tao sa balkonahe ng Templo at sinukat niya ang magkabilang pader ng daanan ng balkonahe, at ang bawat pader ay may taas na walong talampakan at limang talampakan ang kapal. Ang luwang ng daanan ng balkonahe ay dalawampuʼt limang talampakan.

49Ang haba ng balkonahe ay tatlumpuʼt limang talampakan at ang luwang ay dalawampuʼt isang talampakan. May sampung baitang ito pataas papunta sa balkonahe at may haligi sa magkabilang tabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.