Ezekiel 40

at ang silid na nakaharap sa hilaga ay para sa mga paring namamahala sa altar. Ang mga ito ay mga anak na lalaki ni Sadoc, at sila lang na mga Levita ang pinayagang makalapit at maglingkod sa harap ng Panginoon.”

Ezekiel 40:46 (UKJV) And the chamber whose prospect is toward the north is for the priests, the keepers of the charge of the altar: these are the sons of Zadok among the sons of Levi, which come near to the LORD to minister unto him.

44May dalawang silid doon sa bakuran sa loob. Ang isa ay nasa tabi ng daanan sa hilaga, nakaharap sa timog at ang isa naman ay nasa tabi ng daanan sa timog, nakaharap sa hilaga.

45Sinabi sa akin ng tao, “Ang silid na nakaharap sa timog ay para sa mga paring namamahala sa Templo,

46at ang silid na nakaharap sa hilaga ay para sa mga paring namamahala sa altar. Ang mga ito ay mga anak na lalaki ni Sadoc, at sila lang na mga Levita ang pinayagang makalapit at maglingkod sa harap ng Panginoon.”

47Sinukat ng tao ang luwang ng bulwagan at itoʼy 175 talampakan at ganoon din ang haba. Ang altar ay nasa harap ng Templo.

48Pagkatapos, dinala ako ng tao sa balkonahe ng Templo at sinukat niya ang magkabilang pader ng daanan ng balkonahe, at ang bawat pader ay may taas na walong talampakan at limang talampakan ang kapal. Ang luwang ng daanan ng balkonahe ay dalawampuʼt limang talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.