43Sa palibot ng dingding ng balkonahe ay may mga sabitan na tatlong pulgada ang haba. At naroon sa mga mesa ang mga karneng ihahandog.
44May dalawang silid doon sa bakuran sa loob. Ang isa ay nasa tabi ng daanan sa hilaga, nakaharap sa timog at ang isa naman ay nasa tabi ng daanan sa timog, nakaharap sa hilaga.
45Sinabi sa akin ng tao, “Ang silid na nakaharap sa timog ay para sa mga paring namamahala sa Templo,
46at ang silid na nakaharap sa hilaga ay para sa mga paring namamahala sa altar. Ang mga ito ay mga anak na lalaki ni Sadoc, at sila lang na mga Levita ang pinayagang makalapit at maglingkod sa harap ng Panginoon.”
47Sinukat ng tao ang luwang ng bulwagan at itoʼy 175 talampakan at ganoon din ang haba. Ang altar ay nasa harap ng Templo.