Ezekiel 41

Pagkatapos, dinala ako ng tao sa Banal na Lugar ng Templo. Sinukat niya ang magkabilang panig ng pader ng daanan ng Banal na Lugar, sampung talampakan ang taas,

Ezekiel 41:1 (UKJV) Afterward he brought me to the temple, and measured the posts, six cubits broad on the one side, and six cubits broad on the other side, which was the breadth of the tabernacle.

1Pagkatapos, dinala ako ng tao sa Banal na Lugar ng Templo. Sinukat niya ang magkabilang panig ng pader ng daanan ng Banal na Lugar, sampung talampakan ang taas,

2walong talampakan ang kapal ng pader at labingwalong talampakan ang lawak ng daanan. Sinukat din niya ang bulwagan ng Banal na Lugar, pitumpung talampakan ang haba at tatlumpuʼt limang talampakan ang lawak.

3Pagkatapos, pumasok ang tao sa Pinakabanal na Lugar. Sinukat din niya ang magkabilang panig ng pader ng daanan ng Pinakabanal na Lugar, tatlong talampakan ang kapal ng pader at labindalawang talampakan ang taas. Sampung talampakan ang luwang ng daanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.