Ezekiel 41

Pagkatapos, pumasok ang tao sa Pinakabanal na Lugar. Sinukat din niya ang magkabilang panig ng pader ng daanan ng Pinakabanal na Lugar, tatlong talampakan ang kapal ng pader at labindalawang talampakan ang taas. Sampung talampakan ang luwang ng daanan.

Ezekiel 41:3 (UKJV) Then went he inward, and measured the post of the door, two cubits; and the door, six cubits; and the breadth of the door, seven cubits.

1Pagkatapos, dinala ako ng tao sa Banal na Lugar ng Templo. Sinukat niya ang magkabilang panig ng pader ng daanan ng Banal na Lugar, sampung talampakan ang taas,

2walong talampakan ang kapal ng pader at labingwalong talampakan ang lawak ng daanan. Sinukat din niya ang bulwagan ng Banal na Lugar, pitumpung talampakan ang haba at tatlumpuʼt limang talampakan ang lawak.

3Pagkatapos, pumasok ang tao sa Pinakabanal na Lugar. Sinukat din niya ang magkabilang panig ng pader ng daanan ng Pinakabanal na Lugar, tatlong talampakan ang kapal ng pader at labindalawang talampakan ang taas. Sampung talampakan ang luwang ng daanan.

4Sinukat niya ang bulwagan ng Pinakabanal na Lugar, at tatlumpuʼt limang talampakan ang haba nito ganoon din ang luwang. Pagkatapos, sinabi ng tao sa akin, “Ito ang Pinakabanal na Lugar.”

5Pagkatapos, sinukat ng tao ang pader ng Templo at ang kapal nito ay sampung talampakan. Sa labas ng pader na ito na nakapaligid sa Templo ay may sunod-sunod na silid na tig-pipitong talampakan ang luwang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.