Ezekiel 41

Pagkatapos, sinukat ng tao ang pader ng Templo at ang kapal nito ay sampung talampakan. Sa labas ng pader na ito na nakapaligid sa Templo ay may sunod-sunod na silid na tig-pipitong talampakan ang luwang.

Ezekiel 41:5 (UKJV) After he measured the wall of the house, six cubits; and the breadth of every side chamber, four cubits, round about the house on every side.

3Pagkatapos, pumasok ang tao sa Pinakabanal na Lugar. Sinukat din niya ang magkabilang panig ng pader ng daanan ng Pinakabanal na Lugar, tatlong talampakan ang kapal ng pader at labindalawang talampakan ang taas. Sampung talampakan ang luwang ng daanan.

4Sinukat niya ang bulwagan ng Pinakabanal na Lugar, at tatlumpuʼt limang talampakan ang haba nito ganoon din ang luwang. Pagkatapos, sinabi ng tao sa akin, “Ito ang Pinakabanal na Lugar.”

5Pagkatapos, sinukat ng tao ang pader ng Templo at ang kapal nito ay sampung talampakan. Sa labas ng pader na ito na nakapaligid sa Templo ay may sunod-sunod na silid na tig-pipitong talampakan ang luwang.

6May tatlong palapag ang mga silid na ito at bawat palapag ay may tatlumpung silid. Ang bawat palapag ay nakapatong sa malapad na parang biga sa gilid ng pader ng Templo. Kaya hindi na nito kailangan ng mga biga.

7Ang pader ay papanipis mula sa ibaba pataas, kaya ang mga silid ay unti-unting lumuluwang mula sa unang palapag hanggang sa pangatlong palapag. May hagdanan mula sa unang palapag papunta sa ikalawang palapag hanggang sa ikatlong palapag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.