3May agwat na tatlumpuʼt limang talampakan sa pagitan ng Templo at ng mga silid na ito. Nakaharap ang mga silid na ito sa daanang bato sa bakuran sa labas. Itoʼy may tatlong palapag
4at sa harap nito ay may daanang labimpitong talampakan ang luwang at 175 talampakan ang haba. Ang mga pinto nito ay nakaharap sa gawing hilaga.
5Ang mga silid sa ikatlong palapag ay makipot kaysa sa pangalawang palapag, at ang mga silid sa ikalawang palapag ay mas makipot kaysa sa unang palapag dahil nangangailangan ng daanan ang mga palapag sa itaas.
6Ang tatlong palapag na ito ay walang haligi, di tulad ng mga nasa bakuran. At dahil magkakapatong ang mga ito, paliit nang paliit ang mga silid nito mula sa itaas pababa.
7Ang gusaling ito at ang bakuran sa labas ay may pagitang pader na walumpuʼt limang talampakan ang haba.