Ezekiel 43

Ang sinabi sa akin, “Anak ng tao, ito ang aking trono, at ang patungan ng aking paa. Dito ako mananahan kasama ng mga Israelita magpakailanman. Hindi na muling dudungisan ng mga Israelita maging ng kanilang mga hari ang aking pangalan, sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan, o sa mga monumento ng namatay nilang mga hari.

Ezekiel 43:7 (UKJV) And he said unto me, Son of man, the place of my throne, and the place of the soles of my feet, where I will dwell in the midst of the children of Israel for ever, and my holy name, shall the house of Israel no more defile, neither they, nor their kings, by their whoredom, nor by the carcasses of their kings in their high places.

5Itinayo ako ng Espiritu at dinala sa bakuran sa loob, at nakita ko ang buong Templo na nilukuban ng makapangyarihang presensya ng Panginoon.

6Habang nakatayo ang tao sa tabi ko, may narinig akong tinig mula sa Templo.

7Ang sinabi sa akin, “Anak ng tao, ito ang aking trono, at ang patungan ng aking paa. Dito ako mananahan kasama ng mga Israelita magpakailanman. Hindi na muling dudungisan ng mga Israelita maging ng kanilang mga hari ang aking pangalan, sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan, o sa mga monumento ng namatay nilang mga hari.

8Noong una, nagtayo sila ng mga altar para sa mga diyos-diyosan nila malapit sa altar ko at pader lang ang pagitan. Dinungisan nila ang banal kong pangalan sa pamamagitan ng kasuklam-suklam na gawang iyon. Kaya nilipol ko sila.

9Ngayoʼy kinakailangan na silang tumigil sa pagsamba sa mga diyos-diyosan at sa mga monumento ng namatay nilang mga hari. Sa gayon, mananahan akong kasama nila magpakailanman.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.