Ezekiel 43

Itinayo ako ng Espiritu at dinala sa bakuran sa loob, at nakita ko ang buong Templo na nilukuban ng makapangyarihang presensya ng Panginoon.

Ezekiel 43:5 (UKJV) So the spirit took me up, and brought me into the inner court; and, behold, the glory of the LORD filled the house.

3Ang pangitaing ito ay katulad din ng pangitaing nakita ko noong winasak ng Diyos ang lungsod ng Jerusalem, at tulad din ng pangitaing nakita ko sa pampang ng Ilog ng Kebar. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako sa lupa.

4Pagkatapos, pumasok ang dakilang presensya ng Panginoon sa Templo. Doon siya dumaan sa pintuan sa gawing silangan.

5Itinayo ako ng Espiritu at dinala sa bakuran sa loob, at nakita ko ang buong Templo na nilukuban ng makapangyarihang presensya ng Panginoon.

6Habang nakatayo ang tao sa tabi ko, may narinig akong tinig mula sa Templo.

7Ang sinabi sa akin, “Anak ng tao, ito ang aking trono, at ang patungan ng aking paa. Dito ako mananahan kasama ng mga Israelita magpakailanman. Hindi na muling dudungisan ng mga Israelita maging ng kanilang mga hari ang aking pangalan, sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan, o sa mga monumento ng namatay nilang mga hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.