Ezekiel 43

Ang pangitaing ito ay katulad din ng pangitaing nakita ko noong winasak ng Diyos ang lungsod ng Jerusalem, at tulad din ng pangitaing nakita ko sa pampang ng Ilog ng Kebar. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako sa lupa.

Ezekiel 43:3 (UKJV) And it was according to the appearance of the vision which I saw, even according to the vision that I saw when I came to destroy the city: and the visions were like the vision that I saw by the river Chebar; and I fell upon my face.

1Pagkatapos, dinala na naman ako ng tao sa daanan sa gawing silangan.

2At doon ay nakita ko na dumarating mula sa silangan ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel. Ang tunog ng pagdating niya ay parang rumaragasang tubig at ang lupain ay lumiliwanag dahil sa kanyang dakilang presensya.

3Ang pangitaing ito ay katulad din ng pangitaing nakita ko noong winasak ng Diyos ang lungsod ng Jerusalem, at tulad din ng pangitaing nakita ko sa pampang ng Ilog ng Kebar. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako sa lupa.

4Pagkatapos, pumasok ang dakilang presensya ng Panginoon sa Templo. Doon siya dumaan sa pintuan sa gawing silangan.

5Itinayo ako ng Espiritu at dinala sa bakuran sa loob, at nakita ko ang buong Templo na nilukuban ng makapangyarihang presensya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.