Ezekiel 43

At doon ay nakita ko na dumarating mula sa silangan ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel. Ang tunog ng pagdating niya ay parang rumaragasang tubig at ang lupain ay lumiliwanag dahil sa kanyang dakilang presensya.

Ezekiel 43:2 (UKJV) And, behold, the glory of the God of Israel came from the way of the east: and his voice was like a noise of many waters: and the earth shined with his glory.

1Pagkatapos, dinala na naman ako ng tao sa daanan sa gawing silangan.

2At doon ay nakita ko na dumarating mula sa silangan ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel. Ang tunog ng pagdating niya ay parang rumaragasang tubig at ang lupain ay lumiliwanag dahil sa kanyang dakilang presensya.

3Ang pangitaing ito ay katulad din ng pangitaing nakita ko noong winasak ng Diyos ang lungsod ng Jerusalem, at tulad din ng pangitaing nakita ko sa pampang ng Ilog ng Kebar. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako sa lupa.

4Pagkatapos, pumasok ang dakilang presensya ng Panginoon sa Templo. Doon siya dumaan sa pintuan sa gawing silangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.