12Ang shekel ang siyang batayan ng pagsukat ng bigat. Ang isang shekel ay dalawampung gera, at ang animnapung shekel ay isang mina.
13“Ito ang mga kaloob na dapat ninyong ibigay sa pinuno ng Israel: isa sa bawat animnapu ng inani ninyong trigo at sebada,
14isa sa bawat isang daang bat ng langis ng olibo (ang takalan na gagamitin nito ay ang bat; ang sampung bat ay isang homer o isang cor),
15at isang tupa sa bawat dalawandaan ninyong hayop mula sa pastulan ng Israel. Ang mga kaloob na itoʼy gagamiting handog na pagkaing butil, handog na sinusunog at handog pangkapayapaan, upang mapatawad ang mga kasalanan ninyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.
16Ang lahat ng Israelita ang magdadala ng mga kaloob na ito upang magamit ng pinuno ng Israel.