3Ang kalahati ng parte kong lupain na labintatlong kilometro ang haba at limang kilometro ang luwang ay ibubukod ko para sa mga paring naglilingkod sa Panginoon sa Templo. Pagtatayuan ito ng mga bahay nila at ng Templo na siyang pinakabanal na lugar.
5Ang natirang kalahati na labintatlong kilometro ang haba at mga limang kilometro ang lawak ay para sa mga Levita. Sila ang magmamay-ari nito at dito sila maninirahan.
6“Sa katabi ng lupa na para sa akin, magbukod din kayo ng lupang labintatlong kilometro ang haba at tatlong kilometro ang luwang. Ito ang gawin ninyong lungsod, na maaaring ibigay na tirahan ng sinumang Israelita na gustong tumira roon.
7Ibibigay din ang dalawang bahagi ng lupain sa pinuno ng Israel. Ang isang bahagi ay nasa gawing kanluran ng hangganan ng lupaing para sa akin at ng lupaing gagawing lungsod papunta sa Dagat ng Mediteraneo, at ang isa ay mula sa hangganan sa silangan papunta sa Ilog Jordan. Ang hangganan nito sa silangan at sa kanluran ay pantay sa hangganan ng lupaing ibinahagi sa mga lahi ng Israel.