Ezekiel 45

Ibibigay din ang dalawang bahagi ng lupain sa pinuno ng Israel. Ang isang bahagi ay nasa gawing kanluran ng hangganan ng lupaing para sa akin at ng lupaing gagawing lungsod papunta sa Dagat ng Mediteraneo, at ang isa ay mula sa hangganan sa silangan papunta sa Ilog Jordan. Ang hangganan nito sa silangan at sa kanluran ay pantay sa hangganan ng lupaing ibinahagi sa mga lahi ng Israel.

Ezekiel 45:7 (UKJV) And a portion shall be for the prince on the one side and on the other side of the oblation of the holy portion, and of the possession of the city, before the oblation of the holy portion, and before the possession of the city, from the west side westward, and from the east side eastward: and the length shall be opposite to one of the portions, from the west border unto the east border.

5Ang natirang kalahati na labintatlong kilometro ang haba at mga limang kilometro ang lawak ay para sa mga Levita. Sila ang magmamay-ari nito at dito sila maninirahan.

6“Sa katabi ng lupa na para sa akin, magbukod din kayo ng lupang labintatlong kilometro ang haba at tatlong kilometro ang luwang. Ito ang gawin ninyong lungsod, na maaaring ibigay na tirahan ng sinumang Israelita na gustong tumira roon.

7Ibibigay din ang dalawang bahagi ng lupain sa pinuno ng Israel. Ang isang bahagi ay nasa gawing kanluran ng hangganan ng lupaing para sa akin at ng lupaing gagawing lungsod papunta sa Dagat ng Mediteraneo, at ang isa ay mula sa hangganan sa silangan papunta sa Ilog Jordan. Ang hangganan nito sa silangan at sa kanluran ay pantay sa hangganan ng lupaing ibinahagi sa mga lahi ng Israel.

8Ang lupaing ito ang magiging parte ng pinuno ng Israel. “Ang aking mga pinuno ay hindi na mang-aapi sa aking mga mamamayan. Hahayaan nila na ang mga mamamayan ng Israel ang magmay-ari ng lupang ibinibigay sa kanila ayon sa angkan nila.

9Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kayong mga pinuno ng Israel, tama na ang ginagawa ninyo. Tigilan nʼyo na ang pagmamalupit at pang-aapi, at gawin ninyo kung ano ang matuwid at tama. Tigilan nʼyo na rin ang pangangamkam ng lupain ng aking mga mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.