Ezekiel 46

Kapag ang pinuno ay mag-aalay sa Panginoon ng handog na sinusunog o handog pangkapayapaan na kusang-loob na handog, bubuksan para sa kanya ang pintuan sa gawing silangan. At iaalay niya ang kanyang mga handog tulad ng kanyang paghahandog sa Araw ng Pamamahinga. Paglabas niya, isasara agad ang pinto.

Ezekiel 46:12 (UKJV) Now when the prince shall prepare a voluntary burnt offering or peace offerings voluntarily unto the LORD, one shall then open him the gate that looks toward the east, and he shall prepare his burnt offering and his peace offerings, as he did on the sabbath day: then he shall go forth; and after his going forth one shall shut the gate.

10Sasabay ang pinuno sa pagpasok at paglabas nila.

11“Sa panahon ng ibaʼt ibang pista, ang handog na pagkaing butil na isasama sa batang toro at sa barakong tupa ay tig-kakalahating sako ng harina, pero depende sa naghahandog kung gaano karami ang isasama niya sa bawat batang tupa. At sa bawat kalahating sako ng harina na isasama niya sa handog na hayop, maghahandog din siya ng isang galong langis ng olibo.

12Kapag ang pinuno ay mag-aalay sa Panginoon ng handog na sinusunog o handog pangkapayapaan na kusang-loob na handog, bubuksan para sa kanya ang pintuan sa gawing silangan. At iaalay niya ang kanyang mga handog tulad ng kanyang paghahandog sa Araw ng Pamamahinga. Paglabas niya, isasara agad ang pinto.

13“Tuwing umaga, kinakailangang may inihahandog sa akin na tupang walang kapintasan bilang handog na sinusunog para sa Panginoon.

14Sasamahan ito ng handog na pagkaing butil na tatlong kilong harina, at kalahating galong langis ng olibo na pangmasa sa harina. Ang tuntuning ito tungkol sa handog na pagkaing butil para sa Panginoon ay dapat sundin magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.