Ezekiel 47

“Ang hangganan naman sa Timog ay simula sa Tamar patungo sa bukal ng Meriba-kades hanggang sa Lambak ng Ehipto patungo sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan sa Timog.

Ezekiel 47:19 (UKJV) And the south side southward, from Tamar even to the waters of strife in Kadesh, the river to the great sea. And this is the south side southward.

17Kaya ang hangganan sa hilaga ay magsisimula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Hazar-enon, na nasa hangganan ng Damasco at ng Hamat sa hilaga.

18“Ang hangganan sa silangan ay mula sa hangganan ng Hauran at Damasco papuntang Ilog Jordan (sa pagitan ng Gilead at ng Israel) patungo sa Dagat na Patay hanggang sa Tamar. Ito ang hangganan sa silangan.

19“Ang hangganan naman sa Timog ay simula sa Tamar patungo sa bukal ng Meriba-kades hanggang sa Lambak ng Ehipto patungo sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan sa Timog.

20“Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo hanggang sa tapat ng Lebo-hamat.

21“Ito ang lupaing paghahati-hatiin ninyo sa bawat lahi ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.