18“Ang hangganan sa silangan ay mula sa hangganan ng Hauran at Damasco papuntang Ilog Jordan (sa pagitan ng Gilead at ng Israel) patungo sa Dagat na Patay hanggang sa Tamar. Ito ang hangganan sa silangan.
19“Ang hangganan naman sa Timog ay simula sa Tamar patungo sa bukal ng Meriba-kades hanggang sa Lambak ng Ehipto patungo sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan sa Timog.
20“Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo hanggang sa tapat ng Lebo-hamat.
21“Ito ang lupaing paghahati-hatiin ninyo sa bawat lahi ng Israel.
22Ito ang pinakamana ninyo at ng mga dayuhang nakatira kasama ninyo na ang mga anak ay ipinanganak sa Israel. Ituring ninyo silang parang tunay na katutubong Israelita, at bigyan din ninyo sila ng lupang mamanahin ng mga lahi ng Israel.