Ezekiel 5

Kapag ang mga araw ng pagkubkob ay natapos na, sunugin mo ang ikatlong bahagi ng buhok sa loob ng lungsod. Kunin mo ang isa pang bahagi at tadtarin mo ng iyong espada habang nililibot mo ang lungsod. At ang natitirang ikatlong bahagi ay isaboy mo sa hangin dahil ikakalat ko ang aking mga mamamayan sa pamamagitan ng espada.

Ezekiel 5:2 (UKJV) You shall burn with fire a third part in the midst of the city, when the days of the siege are fulfilled: and you shall take a third part, and strike about it with a knife: and a third part you shall scatter in the wind; and I will draw out a sword after them.

1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Anak ng tao, kumuha ka ng matalim na espada at gamitin mong pang-ahit ng iyong buhok at balbas. Pagkatapos, timbangin mo ang buhok moʼt balbas at hatiin ito sa tatlong bahagi.

2Kapag ang mga araw ng pagkubkob ay natapos na, sunugin mo ang ikatlong bahagi ng buhok sa loob ng lungsod. Kunin mo ang isa pang bahagi at tadtarin mo ng iyong espada habang nililibot mo ang lungsod. At ang natitirang ikatlong bahagi ay isaboy mo sa hangin dahil ikakalat ko ang aking mga mamamayan sa pamamagitan ng espada.

3Ngunit magtira ka ng kaunting buhok at balutin mo ito ng iyong damit.

4Kumuha ka ng iilan at sunugin mo sa apoy. Mula rito, kakalat ang apoy at masusunog ang buong Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.