Ezekiel 5

Sapagkat kasuklam-suklam ang mga ginagawa ninyo, gagawin ko sa inyo ang hindi ko pa nagagawa at hindi ko na ito gagawin pa pagkatapos.

Ezekiel 5:9 (UKJV) And I will do in you that which I have not done, and unto which I will not do any more the like, because of all yours abominations.

7Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kayong mga taga-Jerusalem, mas masama pa kayo kaysa sa mga bansang nasa palibot ninyo. Hindi ninyo sinunod ang mga utos at mga tuntunin ko, o sinunod man ang mga tuntunin ng mga bansang nasa palibot ninyo.

8Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay laban sa inyo. Parurusahan ko kayo sa harap ng mga bansa.

9Sapagkat kasuklam-suklam ang mga ginagawa ninyo, gagawin ko sa inyo ang hindi ko pa nagagawa at hindi ko na ito gagawin pa pagkatapos.

10Kakainin ng mga magulang ang mga anak nila at kakainin naman ng mga anak ang mga magulang nila. Parurusahan ko kayo at ang natitira pa sa inyo ay pangangalatin ko sa buong daigdig.

11Ako, ang buháy na Makapangyarihang Panginoon, ay sumusumpang lilipulin ko kayo. Hindi ko kayo kahahabagan dahil dinungisan ninyo ang aking Templo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan at paggawa ng kasuklam-suklam na mga bagay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.