Ezekiel 5

Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay laban sa inyo. Parurusahan ko kayo sa harap ng mga bansa.

Ezekiel 5:8 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Behold, I, even I, am against you, and will execute judgments in the midst of you in the sight of the nations.

6Nilabag niya ang mga utos ko at naging mas masama pa kaysa sa ibang mga bansang nasa palibot nito. Itinakwil niya ang mga utos at mga tuntunin ko.

7Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi: Kayong mga taga-Jerusalem, mas masama pa kayo kaysa sa mga bansang nasa palibot ninyo. Hindi ninyo sinunod ang mga utos at mga tuntunin ko, o sinunod man ang mga tuntunin ng mga bansang nasa palibot ninyo.

8Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay laban sa inyo. Parurusahan ko kayo sa harap ng mga bansa.

9Sapagkat kasuklam-suklam ang mga ginagawa ninyo, gagawin ko sa inyo ang hindi ko pa nagagawa at hindi ko na ito gagawin pa pagkatapos.

10Kakainin ng mga magulang ang mga anak nila at kakainin naman ng mga anak ang mga magulang nila. Parurusahan ko kayo at ang natitira pa sa inyo ay pangangalatin ko sa buong daigdig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.