Ezekiel 5

Ako, ang buháy na Makapangyarihang Panginoon, ay sumusumpang lilipulin ko kayo. Hindi ko kayo kahahabagan dahil dinungisan ninyo ang aking Templo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan at paggawa ng kasuklam-suklam na mga bagay.

Ezekiel 5:11 (UKJV) Wherefore, as I live, says the Lord GOD; Surely, because you have defiled my sanctuary with all your detestable things, and with all yours abominations, therefore will I also diminish you; neither shall mine eye spare, neither will I have any pity.

9Sapagkat kasuklam-suklam ang mga ginagawa ninyo, gagawin ko sa inyo ang hindi ko pa nagagawa at hindi ko na ito gagawin pa pagkatapos.

10Kakainin ng mga magulang ang mga anak nila at kakainin naman ng mga anak ang mga magulang nila. Parurusahan ko kayo at ang natitira pa sa inyo ay pangangalatin ko sa buong daigdig.

11Ako, ang buháy na Makapangyarihang Panginoon, ay sumusumpang lilipulin ko kayo. Hindi ko kayo kahahabagan dahil dinungisan ninyo ang aking Templo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan at paggawa ng kasuklam-suklam na mga bagay.

12Hahatiin ko kayo sa tatlo. Ang unang bahagi ay mamamatay sa gutom at sakit sa lungsod. Ang ikalawang bahagi ay mamamatay sa labas ng lungsod sa pamamagitan ng espada. At ang ikatlong bahagi ay pangangalatin ko sa buong daigdig at patuloy kong uusigin.

13“Kapag nangyari na ito, huhupa na ang matindi kong galit, at makakaganti na ako sa inyo. Kapag naipadama ko na ito sa inyo, malalaman ninyo na ako ang Panginoong nakipag-usap sa inyo dahil sa labis kong pagkapoot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.